Indian TV Actor na si Sidharth Shukla

Ang sikat na aktor at Big Boss Season 13 winner na si Sidharth Shukla ay pumanaw matapos inatake sa puso sa edad na 40 sa Cooper Hospital Mumbai noong Huwebes, ayon sa mga opisyal ng ospital. 

Si Shukla ay isang Indian na artista, host at modelo na lumalabas sa telebisyon at pelikulang Hindi. Nakilala siya sa kanyang mga tungkulin sa Broken but Beautiful 3, Balika Vadhu at Dil Se Dil Tak.  

ADVERTISEMENT

Si Sidharth ay nanalo ng World's Best Model title noong Disyembre 2005 na tinalo ang 40 iba pang kalahok mula sa buong Asia, Latin America, at Europe.  

Noong 2008, una siyang lumabas sa palabas sa telebisyon na Babul Ka Aangann Chootey Na. 

Noong 2014, nanalo si Sidharth ng Gold Awards most fit actor award at ginawa ang kanyang debut sa Bollywood sa isang supporting role sa Humpty Sharma Ki Dulhania. Lumabas din siya sa Business in Kazakhstan, isang pelikulang Kazakhstan. 

Sinabi ng nakatataas na opisyal ng Cooper Hospital na, "Ang inisyal na ulat ay nagpapahiwatig na siya ay namatay sa atake sa puso. Gayunpaman, hindi namin makumpirma ang sanhi ng kanyang pagkamatay hangga't hindi namin nakumpleto ang post mortem," 

***

ADVERTISEMENT

MAG-IWAN NG REPLY

Pakipasok ang iyong komento!
Pakipasok ang iyong pangalan dito

Para sa seguridad, kinakailangan ng paggamit ng serbisyo ng reCAPTCHA ng Google na kinakailangan na napapailalim sa Google Pribadong Patakaran at Mga Tuntunin ng Paggamit.

Sumasang-ayon ako sa mga tuntuning ito.